Naholdap na ay minolestiya pa ang isang magandang dalaga makaraang kunin ng isang lalaki ang kanyang mahahalagang gamit at puwersahan pang ipasubo nito ang kanyang ari kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.
“Hindi pa po siya nakuntento sa ginawa niyang pagnanakaw sa mga gamit ko, hinipuan pa niya ang buo kong katawan at pagkatapos ay pinilit pa na ipasubo sa bibig ko ’yung kanyang ari,” pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Aubrey, 22, saleslady.
Ayon kay Insp. Jose Salazar, hepe ng Criminal Investigation Unit ng Marikina police, naganap ang insidente dakong alas- 5:20 ng madaling-araw habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Shoe Avenue Brgy. Sto. Niño ng lungsod na ito nang lapitan ng suspek na armado ng matulis na bagay at tutukan ito sa leeg.
Matapos na makuha ang cellphone ng biktima na Nokia 6130, pera at alahas ay kinaladkad pa ito sa isang madilim na parking area at doon ay pinaghihipuan sa maseselang bahagi ng katawan at hindi pa nakuntento ay inilabas pa nito ang kanyang ari at ipinasubo ito sa nagmamakaawang dalaga.
“Tumigil lang po siya matapos ang may 5 minuto nang makaraos siya,” luhaang salaysay ng biktima sa himpilan ng pulisya.
Papatakas na sana ang suspek nang mamataan ng ilang kalalakihan nang humingi ng tulong ang biktima kaya’t ito ay nabugbog-sarado.Naawat lang ang pambubugbog nang dumating ang rumespondeng kagawad ng pulisya saka dinala sa presinto ang suspek.