^

Metro

Dalaga hinoldap na, pinagparausan pa

- Edwin Balasa -

Naholdap na ay minolestiya pa ang isang magandang da­laga makaraang kunin ng isang lalaki ang kanyang maha­hala­gang gamit at puwersahan pang ipasubo nito ang kanyang ari ka­hapon ng madaling-araw sa Marikina City.

“Hindi pa po siya nakuntento sa ginawa niyang pagnanakaw sa mga gamit ko, hinipuan pa niya ang buo kong katawan at pag­­katapos ay pinilit pa na ipa­subo sa bibig ko ’yung kanyang ari,” pahayag ng biktimang iti­nago sa pangalang Aubrey, 22, saleslady.

Ayon kay Insp. Jose Salazar, hepe ng Criminal Investigation Unit ng Marikina police, naga­nap ang insidente dakong alas- 5:20 ng madaling-araw habang naglalakad ang biktima sa kaha­baan ng Shoe Avenue Brgy. Sto. Niño ng lungsod na ito nang lapitan ng suspek na armado ng matulis na bagay at tutukan ito sa leeg.

Matapos na makuha ang cellphone ng biktima na Nokia 6130, pera at alahas ay kinalad­kad pa ito sa isang madilim na parking area at doon ay pinaghi­hipuan sa mase­selang bahagi ng katawan at hindi pa nakun­tento ay inilabas pa nito ang kan­yang ari at ipinasubo ito sa nagmama­ka­awang dalaga.

“Tumigil lang po siya ma­tapos ang may 5 minuto nang makaraos siya,” luhaang salay­say ng biktima sa himpilan ng pulisya.

Papatakas na sana ang sus­pek nang mamataan ng ilang kalalakihan nang humingi ng tulong ang biktima kaya’t ito ay nabugbog-sarado.Naawat lang ang pambubugbog nang duma­ting ang rumes­pondeng ka­gawad ng pulisya saka dinala sa presinto ang suspek.

vuukle comment

AUBREY

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

JOSE SALAZAR

MATAPOS

SHOE AVENUE BRGY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with