^

Metro

Parak na ‘protector’ ng holdap, timbog

-

Natapos din ang maliliga­yang araw ng isang pulis-Camp Crame matapos itong ikanta ng isang nahuling holdaper na umano’y kanilang protektor at bagsakan ng mga na­holdap na alahas at kagamitan, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Bumagsak sa kamay ng pu­lisya ang isa nilang ‘kabaro’ na nakatalaga sa Police Security Protection Office (PSPO) sa Camp Crame na si PO3 Laurio Walterio, 45, ng #569 E. Rodri­guez St., matapos itong positi­bong ituro bilang protektor ng nadakip na holdaper.

Nagtangka pang maghugas-kamay at umiiyak na wala na­mang luha nang magtungo sa him­pilan ng pulisya sa Pasay si Walterio at ibalik ang aniya’y cell­­phone na kanyang nareko­ber sa nagkanulo sa kanyang si Ricardo Tayumi, 31, miyembro ng Batang City Jail (BCJ) gang at residente ng #551 E. Rodri­guez St. na unang nadakip ng pulisya.

Ayon sa ulat, naghain na ng reklamo kamakalawa ng gabi si Michelle dela Cruz, 28, kawani ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng 2401-B Belarmino St., Brgy Bangkal, Makati City matapos mabiktima ng panghoholdap sa loob ng sinakyan niyang pampa­saherong bus sa kanto ng EDSA at E. Rodriguez Ext., dakong alas-7 ng gabi.

Nabatid na matapos ang na­sabing insidente ay agad na nag­sagawa ng follow-up opera­tion ang pulisya sa E. Rodriguez Ext. hanggang masita si Tayumi na umiihi sa pampublikong lugar dakong ala-1 ng madaling-araw at nang kapkapan ay nakuha ang nakasukbit na patalim.

Nang dalhin sa presinto, po­sitibong kinilala ni dela Cruz si Tayumi na isa sa tatlong hol­da­per na nambiktima sa kanya at tumangay sa kanyang hand­bag na naglalaman ng tatlong cell­phone, cash na P4,420, pass­port, ATM card, pocket size per­sonal computer at iba pa.

Nang malaman ni Walterio na nadakip ang suspek, kaagad niyang dinala sa presinto ang aniya’y narekober na cell­phone bilang depensa kung sakaling ituro siya ni Tayumi na nasa kanya ang mga gamit na naku­limbat kay dela Cruz.

Gayunman, lalo pang na­baon sa kaso si Walterio nang isauli ng isang barangay ka­ga­wad ang handbag ng biktima na umano’y ibinigay sa kanila ng na­­turang pulis ma­tapos madakip si Tayumi. (Rose Tamayo-Tesoro)

B BELARMINO ST.

CAMP CRAME

CRUZ

RODRIGUEZ EXT

SHY

TAYUMI

WALTERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with