^

Metro

Pekeng nurse timbog sa pagnanakaw sa ospital

-

Arestado ang isang bakla na nagpapanggap na nurse maka­raang maaktuhan itong bitbit ang mga mamahaling gamit ng kaanak ng isang pasyente na naka-confine sa isang ospital,  kahapon ng madaling-araw sa Marikina City. 

Nakilala ang suspek na si John Ledesma, 35, ng Park Ave., Ka­ muning, Quezon City at mi­yembro ng kilabot na Salisi gang. 

Ang suspek na nakasuot pa ng uniporme ng nurse ay na­aresto ng mga security guard ng Amang Rodriguez Medical Cen­ter habang bitbit ang isang clutch bag na naglalaman ng mamaha­ling cellphone, pera at isang palm top computer na pag-aari ng isang kaanak ng naka-confine na pasyente ng ospital dakong alas-5:30 ng madaling-araw. 

Napag-alaman pa kay Ra­mos na napakaraming ulat na ang kanilang natatanggap sa na­ga­ganap na nakawan sa na­sabing ospital. Nag-ooperate ang suspek habang abala ang mga nurse at doktor sa pagti­ngin ng mga pasyente sa emer­gency room. “Sobrang dami na ng com­plaint ng mga kamag-anak ng mga pasyente ng Amang, sunud-sunod  ang nawa­walan ng mga gamit doon at wala naman daw ibang pu­ma­pasok sa kanilang mga kuwarto kundi ang mga nurse at doktor. Modus operandi talaga ng suspek ang sumalisi kapag tulog o abala ang mga nurse at doktor ng ospital,” pa­hayag ni Ramos.  Napag-alaman na nang sita­hin ng mga security guard ang suspek na bitbit ang nasabing clutch bag ay nagpakilala itong nurse at sinabing naghahanap lang umano siya ng kuwarto na puwedeng lipatan ng kanyang pasyente.  Eksakto namang lu­ma­bas ang may-ari ng clutch bag na nakilalang si Jumer San­tos, kapatid ng isang pasyen­teng naka-confine sa ospital at laking gulat nito kung bakit nasa suspek ang kanyang clutch bag kaya agad ng hinuli ng mga security guard ang huli. (Edwin Balasa)

vuukle comment

EDWIN BALASA

ISANG

JOHN LEDESMA

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with