^

Metro

Apartelle ni Angelica Jones nasunog

-

Mahigit sa P1 million ang ha­ laga ng ari-arian ang naabo ma­tapos na masunog ang apartelle unit ng sexy/comedian actress na si Angelica Jones kahapon ng umaga sa Manda­luyong City.

Sa ulat ni FO3 Victorino Tablay, dakong alas-5:55 ng umaga nang magsimula ang sunog sa unit 305 at 306 High­way Hills Commercial Apartelle building na pag-aari ng actress kung saan nakatira din ang pamilya nito.

Lumalabas sa imbestigas­yon na ang sunog ay nagmula sa kusina ng room 305 kung saan nakatira ang hipag ni Jones habang ang actress naman ay nasa room 306.

Umabot sa ika-5 alarma ang nasabing sunog na tumagal ng halos 1 at kalahating oras bago ideklarang fire out ng mga bum­bero dakong 7:26 ng umaga.

Bukod sa nasabing halaga ng naabo sa sunog ay inaalam pa kung magkano ang halaga ng pera at mga alahas na na­iwan ng actress dahil sa pagka­taranta nito ay wala itong na­isal­ba sa mga mahahalagang bagay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Mandaluyong Bureau of Fire and Protection ay overload sa pag­gamit ng kuryente ang po­sibleng naging dahilan ng sunog dahil sa extension wire nagsi­mula ang apoy kung saan naka­saksak ang mga gamit sa kusina kabilang ang refrigerator at iba pang matataas na boltahe ng kasangkapan.

Wala namang idineklarang nasaktan o nasawi sa insidente. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANGELICA JONES

BUKOD

EDWIN BALASA

HILLS COMMERCIAL APARTELLE

MANDALUYONG BUREAU OF FIRE AND PROTECTION

SHY

VICTORINO TABLAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with