^

Metro

Domestic airport ‘business as usual’

-

Bumalik na sa normal na operasyon ang Manila Domestic Airport matapos na maantala ang may 30 flights nito kama­kalawa dahil sa matinding black­out nang sumabog at bumigay ang circuit breaker na nagsu-supply ng kuryente sa buong paliparan. 

Nabatid sa Manila Inter­national Airport Authority na dakong alas-2:45 ng hapon kamakalawa rin ay balik sa normal na operasyon ang do­mestic airport nang makumpuni ang bumigay na 2,500 watts circuit breaker matapos ang ma­habang oras na pagtutulu­ngan ng mga technician ng paliparan.  

Nilinaw naman ng MIAA na bagaman nabalam ang mga flight paalis at pabalik ay walang kanselasyon sa mga flight taliwas sa mga unang ulat. 

Magugunita na dahil sa ma­tinding power failure ay naantala ang 24 outbound at 17 inbound flights ng Cebu Pacific kaya naging manu-mano ang gina­wang operasyon sa departure at arrival area para sa mga nag-aalisan at nagdadatingang pa­sahero mula sa iba’t ibang rehi­yon sa bansa. (Ellen Fernando)

AIRPORT AUTHORITY

BUMALIK

CEBU PACIFIC

ELLEN FERNANDO

MAGUGUNITA

MANILA DOMESTIC AIRPORT

MANILA INTER

NABATID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with