^

Metro

Taguig police no. 1 sa skills proficiency test

-

Nanguna ang Taguig City Police sa isinagawang skills pro­ficiency test ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa lahat ng mga alagad ng batas.

Sa kabuuang 36 police stations ng Kalakhang Maynila ay ang Taguig City Police ang nag-no.1 sa isinagawang pag­su­sulit at pagsukat sa kakaya­nan ng mga pulis sa kaalaman at pagpapatupad ng batas. 

Mismong si NCRPO Re­gional Director Geary Barias ang nagpasimuno ng pagbibi­gay ng nasabing pagsusulit sa lahat ng mga kapulisan ng Ka­lakhang Maynila makaraang bumaba nitong mga nakaraang taon ang antas ng maraming bilang ng pulis sa kaalaman sa batas at sa tamang pagpapa­tupad nito.

Lumalabas sa resulta ng pag­susulit na nakakuha ng ka­buuang average score na 96.46 ang Taguig Police sa pangu­nguna na rin ng kanilang hepe na si P/Supt. Alfred S. Corpus. 

Pumangalawa ang Marikina Police (94.41), sumunod ang Para­ñaque Police (89.15), Pasig sa score na 88.11 at Las Pinas (87.61).

Apat din sa mga opisyal ng Taguig Police na kinabibilangan ni Corpus at nina Chief Insp. Celso M. Rodriguez; PCP-5 Dep. Commander, Insp. Ben B. Vargas; Insp. Morris W. Gum­singan ng Follow-Up Section at PO1 Salvador M. Bassig ang nakakuha ng score na 100% sa pagsusulit at sa isinagawang actual operations ng pulisya. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALFRED S

BEN B

CELSO M

CHIEF INSP

DIRECTOR GEARY BARIAS

POLICE

SHY

TAGUIG CITY POLICE

TAGUIG POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with