^

Metro

Gagradweyt pinatay sa saksak ng adik

-

Hindi na makakaakyat ng entablado ang isang graduating student sa high school upang kunin ang diploma makaraang patayin ito sa saksak ng isang pinaniniwalaang adik kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Namatay sa mismong lugar ng pinangyarihan sanhi ng tinamong halos hindi na mabilang na tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktimang si Maria Anna Toledo, 17, ng Gulayan, Bgy. Catmon ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa kahabaan ng Damata at Kadima sts., Bgy. Tonsuya ng nasabing lungsod. Naglalakad ang biktima kasama ang dalawang ka­ibigan na hindi binanggit ang mga pangalan nang pagdating sa isang madilim na lugar ay bigla na lang umanong sumulpot ang sus­pek at basta na lang inundayan ng sunud-sunod na saksak ang dalagita.

Dahil sa takot ay nagawa umanong makatakbo ng dalawang kasamang kaibigan ng biktima subalit hanggang sa kasalukuyan umano ay halos hindi pa makausap ng mga awtoridad dahil tulala ang mga ito. Lumilitaw na magtutungo ang biktima at kasama nito sa bahay ng isa pa nilang kaklase upang pag-usapan umano ang kanilang nalalapit na graduation rites sa susunod na linggo. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BGY

CATMON

DAHIL

DAMATA

GULAYAN

KADIMA

LORDETH BONILLA

MARIA ANNA TOLEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with