^

Metro

22 oras walang tubig sa Maynila, Caloocan sa Sabado

-

22 oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Maynila at Caloocan City sa Marso 29 araw ng Sabado mula ala-1 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng May­nilad Water Services Inc, ang pagkawala ng suplay ng tubig sa naturang lugar ay dulot ng gagawing repair sa dalawang tubo ng tubig sa mainlines sa kahabaan ng Rizal Ave. Exten­sion malapit sa R. Papa St., Caloocan-Manila boundary.

Ang mga lugar na walang tubig sa Maynila ay ang Rizal Ave­nue, Mayhaligue, E. Re­mi­gio, Que­zon Blvd., C.M. Recto, Estero Dela Reina, at Dagupan Ext. boundary ng Juan Luna, Muelle Del Banco National (Pasig River), Quezon Blvd., at C.M. Recto.; at bahagi ng Rizal Avenue, Aurora Blvd. at Blumentritt.

Sa Caloocan, ang mga apek­tado ay ang 5th Avenue, A. Bonifacio, C-3 road, Chinese Cemetery, R. Papa (Creek) at sa may PNR Railroad.

Gayundin, sa naturang araw ay magiging mahina naman ang daloy ng tubig sa may Blumen­tritt, Antipolo, Aurora Blvd. at Dimasalang sa Maynila. (Angie dela Cruz)

AURORA BLVD

CALOOCAN CITY

DAGUPAN EXT

ESTERO DELA REINA

JUAN LUNA

MAYNILA

RIZAL AVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with