^

Metro

Preso ginilitan ang kapwa preso

- Ni Grace Dela Cruz -

Bunsod ng matinding  galit sa mga rapist, nilas­la­san ng leeg ng isang preso ang kapwa preso na may kina­ka­harap na kasong rape kaha­pon ng hapon sa loob ng kulu­ngan sa Bi­nondo, Maynila.

Patay nang idating sa Jose Reyes Memorial Me­dical Center ang biktimang si Ernesto Diocton, 41, may-asawa, at residente ng Blk. 3, Area 9, Port Area Manila ma­tapos na lasla­san sa leeg ng kapwa niya bilanggo na si Noel San­chez, 26, binata, at resi­dente ng Gate 62 Area H, Parola Compound, Binon­do, Maynila na may ka­song frus­trated murder.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Javier ng Manila Police District-Homicide divi­sion, ang insi­dente ay naga­nap dakong alas-12:30 ng tanghali sa loob ng kulungan ng MPD-Station 11 (Binondo).

Nilaslas ng suspek ang leeg ng biktima sa pama­ma­gitan ng pinatulis na plastic bottle ng C2.

Ayon sa pulisya, malaki umano ang galit ng suspek sa biktima nang malaman nitong rape ang kaso ng huli dahil sa naging biktima na rin umano ng rape ang live-in partner nito.

Inamin naman ng sus­pek na nagdilim umano ang kan­yang paningin nang ma­dis­kubreng rapist uma­no ang kanyang kasama sa detention cell kung kaya’t hindi niya napigilan ang sarili kaya nilaslas niya ang leeg nito.

vuukle comment

AREA H

DENNIS JAVIER

ERNESTO DIOCTON

JOSE REYES MEMORIAL ME

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE

MAYNILA

NOEL SAN

PAROLA COMPOUND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with