^

Metro

Metro Mayors na tutol sa single ticketing pakiusapan na lang – DILG

-

Pinayuhan kahapon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga transport groups na makiusap na lamang sa apat na Metro Mayors na tu­mututol sa implemen­tasyon ng single ticketing system.

Ipinaliwanag ni Under­sec­retary for Public Safety Atty. Marius Corpus na hindi maaaring saklawan ng Executive Order 712 ni Pangulong Arroyo ang aw­tonomiya ng mga alkalde. 

“Ang silbi lang niyang executive order na iyan ay para sa national policy para sa single ticketing system, kapag hindi sumu­nod ang mga mayor ay sa korte na ba­bagsak iyang isyu na iyan,” ayon kay Corpus. 

Idinagdag pa nito na hindi naman talaga kaila­ngan ng executive order, mag­bi­bigay lang umano ito ng “false hopes” sa mga trans­port groups.

Sinabi rin nito na ang posisyon ng DILG ay hindi naman kailangan ang Mala­cañang ang mag-isyu ng executiver order na ma­aari namang gawin na ng Department of Transpor­tation and Communica­tions (DOTC) habang may mga probisyon rin ang local government code at ang Metro­politan Manila De­ve­lopment Authority charter para magpalabas nito.

Nakatakda namang ma­­kipag-usap ang DILG sa pangunguna ni Under­sec­retary for Local Govern­ment Austere Panadero sa mga Metro Mayors parti­kular na ang mga kumo­kon­trang sina Makati Mayor Jejomar Binay, Navotas Mayor Toby Tiangco­, San Juan Mayor Jo­seph Victor Ejercito at Pasay City Mayor Pewee Trinidad upang ma­pa­kiusa­pan na gumawa ng solus­yon sa krisis.

Kung magkakaprob­lema naman umano sa la­bis na paniningil ng mga ku­­mokontrang Metro Mayor, bahala na umano ang mga transport groups na mag­sampa ng kaso sa korte upang siyang rume­solba dito. (Danilo Garcia)

AUSTERE PANADERO

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TRANSPOR

EXECUTIVE ORDER

METRO MAYORS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with