^

Metro

Opisyal pa ng Comelec patay sa ambush

- Ni Grace Dela Cruz -

Isa na namang opis­yal ng Commission on Election (Comelec) ang tinamba­ngan at napatay ng hindi nakikilalang kalalakihan habang ito ay papalabas ng isang food chain kaha­pon ng tang­hali sa Intra­muros, Maynila.

Namatay habang  gi­na­­gamot sa Manila Doc­tor’s Hospital ang bik­timang nakilalang si Atty. Wynne Asdala, pumalit na hepe ng Law Depart­ment ng Come­lec ma­tapos na mapaslang ang dating chief ng natu­rang tanggapan na si  Atty. Aleoden Dalaig at acting director III.

Ayon sa imbestigas­yon ng pulisya, galing sa Sub­court Restaurant sa So­riano Avenue, panu­lukan ng Cabildo St., Intramuros, Maynila ang biktima kung saan ito kumain kasama ang kanyang stenographer na si Rena Ballo dakong alas-12:45 ng tanghali.

Papatawid na ang da­lawa pabalik sa tangga­pan ng Comelec nang biglang sumulpot ang suspek na naka­kulay pulang t-shirt  at naka­sakay sa big bike. Mabilis umanong tinutukan ng malapitan ng suspek ang biktima sa dibdib nito at saka binaril malapit sa puso.

Ilang nakasaksi din ang nagsabi na may kasa­mang look-out ang suspek na nakakulay itim  na t-shirt na kasabay na tumakas ng gunman.

Malaki naman ang hi­nala ng pulisya na may ka­ugnayan ang pama­mas­­lang sa trabaho nito sa Law Department ng Comelec  at dating as­sistant ng pi­naslang na si Dalaig noong nakalipas na Nob­yembre 10, ng nagdaang taon ha­bang ito ay patungo sa Hyatt Hotel Casino.

Sinisiyasat din ng mga awtoridad kung iisa ang killer ni Dalaig at ang tu­mam­bang kay Asdala.

Si Asdala ay asawa ni Quezon City Regional Trial Court Judge Fatima Asdala.

vuukle comment

ALEODEN DALAIG

CABILDO ST.

COMELEC

DALAIG

HYATT HOTEL CASINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with