Bisor binoga sa huling ‘tagay’
Patay ang isang bisor matapos barilin ng
Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tatlong tama ng bala ng di-nabatid na kalibre ng baril sa dibdib ang biktimang si Edgardo Rancurdo, 38, may-asawa, ng Gregorio Compound, Gen. Luis Street, Kaybiga, Barangay 166 ng nabang- git na lungsod.
Kasalukuyan namang nagtatago at tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang suspek na si Edgardo Ramirez, 40, may-asawa, walang hanap-buhay at kapit-bahay ng biktima.
Sa ulat ni SPO1 Wil- son Reyes, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong alas-7 ng gabi sa loob ng Gregorio Compound.
Nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang mga kainuman at tinutungga ang kanyang huling tagay nang biglang dumating ang suspek na armado ng baril at tatlong ulit na pinaputukan ang biktima.
Isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga at dali-dali namang tumakas ang nabanggit na suspek.
Ayon sa ilang kainuman ng biktima, ang nasawi at ang suspek ay mortal na magkaaway umano sa kanilang lugar at nang makakuha ng magandang pagkakataon ang suspek ay hindi na nito pinaporma pa ang biktima. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending