Hair dresser kinatay
Isang 38-anyos na hair dresser ang pinaslang ng dalawang di-pa kilalang kalalakihan matapos matagpuan ang bangkay nito sa loob ng kanyang bahay sa Novaliches,
Nadiskubre dahil sa masangsang na amoy ang biktimang si Benjamin Salazar, empleyado ng Going Straight Beauty Parlor at residente ng Block 5 Lot 34, Evangelista Street, Metro Green Village sa Barangay San Bartolome, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nadiskubre ang bangkay ni Salazar dakong alas-9 kamakalawa ng gabi sa loob ng kanyang kuwarto na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa ilang kapitbahay, dalawang lalaki ang huli nilang namataang pumasok sa loob ng bahay ng biktima may tatlong araw na ang nakalilipas.
Nangamba na ang mga kapitbahay nang umalag- wa ang masangsang na amoy mula sa bahay ni Salazar kaya kaagad nilang ipinagbigay-alam sa pulisya.
Sinisilip ng pulisya ang anggulong pagnanakaw at posibleng kakilala ng biktima ang dalawang lalaking pumasok sa bahay nito. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending