^

Metro

Kotse vs van: 2 katao todas

-

Trahedya at karit ni ka­matayan ang sumalu­bong sa dalawang sibilyan sa pagdaraos ng Easter Sun­day kahapon makaraang sumalpok sa van ang ka­nilang kotse habang bina­bagtas ang C-5 flyover sa Pasig City.

Sa ulat na nakarating ka­hapon kay Eastern Po- liced District director Chief Supt. Leon Nilo de la Cruz, kabilang sa mga biktimang namatay ay sina Abigael Parong, 22, ng #11 Jade Street, Northview, Bata- san Hills, Quezon City at Kristine Marie Orbeta, 23, isang empleyada.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, binabagtas ng Mit­subishi Lancer (UGW 828) ang kahabaan ng south­bound sa Barangay Ilog nang mawalan ng kontrol sa manibela si Parong habang papasok sa C-5 flyover bandang alas-6:30 ng umaga.

Napag-alamang sumal­pok sa malaking plant pot na nasa center island ang kot­se ng mga biktima saka inakupahan ang north­­ bound lane.

Kasunod nito, sinalpok naman ng kotse ang kasa­lubong na Fuzo Canter van (XJP 834) na minamaneho naman ni Josefino Macas, 44, ng #594 Quirino High­way, Brgy. Bagbag sa No­va­liches, Quezon City.

Dahil sa matinding pag­ka­kasalpok ng kotse sa van ay naipit si Parong at kaagad na namatay habang si Orbeta ay idineklarang patay sa Rizal Medical Center. Sugatan naman si Macas at ang kasamang si Elmer Belardo habang patuloy naman ang imbes­tigasyon. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ABIGAEL PARONG

BARANGAY ILOG

CHIEF SUPT

EASTER SUN

EASTERN PO

EDWIN BALASA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with