^

Metro

Milyong ari-arian naabo

-

Milyong halaga ng ari-arian ang naabo kung saan dalawa-katao ang malub­hang nasugatan sa naga­nap na magkahiwalay na sunog sa Parañaque at Makati City noong Semana Santa.

Batay sa ulat, nagsimu­lang kumalat ang apoy sa pabrika ng papel sa Sta. Ana Drive, Sun Valley Village sa Parañaque City.

May teorya ang pulisya na may nagtapon ng upos ng sigarilyong may sindi sa ilang bahagi ng mga papel na nakabungkos kaya lu­mikha ng apoy.

Kaagad namang na­apula ang apoy ng mga ta­uhan ng pamatay-sunog makalipas ang ilang oras.

Kasunod nito, malaking bilang naman ng pamilya ang nawalan ng tahanan makaraang masunog ang isang residential area sa La Paz Village may ilang metro ang layo sa Makati Coliseum noong Huwebes Santo sa Makati City.

Ayon sa ulat, ilan sa mga nasunog na kaba­ha­yan ay naiwanang walang tao kung saan karamihan sa mga ito ay umuwi ng probinsiya.

Kinilala naman ang da­lawang nasugatang sina Allan Robles at isang alyas Dante.

Hanggang sa kasaluku­yan ay iniimbistigahan pa ng mga awtoridad ang pi­nagmulan ng apoy. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALLAN ROBLES

HUWEBES SANTO

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with