^

Metro

EO 712 ipatutupad na ng MMDA

-

Sa kabila ng pagtutol ng 5 alkalde sa Metro Manila, nakatakdang ipatu­ pad ng Metropolitan Manila De­ve­lopment Authority (MMDA) ang single ticketing system anumang araw mula ngayon.

Ayon kay MMDA Chairman Bayani F. Fernando, ang panuntunan ng na­sabing single ticketing ay aprubado na ng nakararami sa mga alkalde at limang alkalde na lamang ang hindi nakakapirma sa resolution kabilang dito ang mga lungsod ng Makati, Pasay, Navotas at Manila.

Sa ilalim ng MTTS, plano na gawing iisa na lamang ang pag-isyu sa traffic tickets at pagba­bayad ng multa sa Ka­lakhang Maynila.

Napag-alaman pa na nagpulong na rin ang mga opposition mayor at mga re­presentative ng mga lungsod ng Manila, Pasay, San Juan, Taguig, Navotas, Mandaluyong, Muntinlupa at Makati para sa iisang pananaw at kadahilanan.

Iginiit naman ni San Juan Mayor J.V. Ejercito, na ilegal ang EO 712 dahil nilalabag nito ang kapang­ya­­ri­han ng municipal govern­ment para mag-legislate.

Sa panig ni Pasay City Mayor Wenceslao “Peewee” Trinidad, wala pa uma­no silang alam sa mga detalye ng naturang is­kema.

Habang nagbanta na­man si Mayor Binay na maghahain ng damage suit laban kay Fernando at sa MMDA kapag itinuloy ang implementasyon sa EO 712 sa kabila ng mga legal defects nito. 

Nangako naman ang representative ni Manila Mayor Alfredo Lim na mag­bababa ng traffic violation fines subalit nananatiling kumukuwestiyon sa MTTS.

Umaasa naman si Man­daluyong City Mayor Ben­hur Abalos na matatalakay pa at mahihimay ang isyu sa susunod na pagpu­pu­long ng Metro Manila Council sa susunod na Linggo.  (Rose Tamayo-Tesoro)

CHAIRMAN BAYANI F

CITY

CITY MAYOR BEN

FERNANDO

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with