^

Metro

Garbage summit, isinusulong sa Maynila

-

Dahil na rin sa luma­lalang problema sa basura sa Metro Manila, hiniling ni Manila 2nd District Councilor Numero Lim na mag­karoon ng garbage summit na magiging gabay ng mga opisyal ng lokal na pama­halaan.

Sa panukala ni Lim, hi­ni­hiling nito na pangu­nahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang garbage summit na dadaluhan ng mga Metro Manila Mayors upang ma­pag-usapan ang mga prob­lema sa basura na nakaka­harap ng mga city officials.

Layunin ng summit na maibsan ang problema sa basura na makaaapekto ng lubos sa kalusugan ng publiko at maging sa kalika­san bunga na rin ng maru­ruming katas nito.

Tatalakayin din sa summit ang mga batas na dapat na ipatupad upang maiwa­san ang pagkakaroon ng tambak na basura at kung paano ituturo sa publiko ang tamang paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabu­bulok.

Dito na rin imumungkahi ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya para maayos na maitapon ka­ugnay sa paggamit ng sanitary landfill.

Ipinaliwanag ni Lim na hindi na maaaring ipagwa­lang bahala ang nasabing problema dahil ito ang pa­ngunahing pinagmumu­lan para kumalat ang sakit sa bawat barangay at komu­nidad.

Naniniwala si Lim na malaki ang maibabahagi ng mga city officials sa kani-kanilang mga nasasakupan sa sandaling simulan ang garbage summit na magtu­turo ng tamang pagtatapon ng basura.

Matatandaan na kama­kailan ay pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko bunsod na rin ng mga tambak ng basura na maaaring pang­galingan ng iba’t ibang sakit kabilang na ang diarrhea at hika. (Doris M. Franche)

DEPARTMENT OF HEALTH

DISTRICT COUNCILOR NUMERO LIM

DORIS M

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

METRO MANILA MAYORS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with