Trader kritikal sa 2 hired killer
Isang 34-anyos na negosyante ang malubhang nasugatan matapos itong barilin ng dalawang hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang mga “hired killer” kahapon ng madaling-araw sa
Ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Noel Tibora, isang scrap buyer, taga Jose St., Concepcion, Niugan, ng nabanggit na lungsod, nagtamo ito ng tama ng bala sa katawan.
Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.
Sa imbestigasyon ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng
Walang sabi-sabing binaril ng mga suspek ang biktima. Kahit nagtatakbo ang biktima para iligtas ang sarili, hinabol pa rin ito ng mga suspek at muling pinaputukan. Nang maglabasan ang mga residente dahil sa narinig na sunud-sunod na putok ng baril, dali-daling nagsitakas ang mga suspek.
Sa teyorya ng pulisya posibleng mga hired killer ang mga suspek at maaaring may kinalaman sa negosyo ng biktima na isang scrap buyer ang tangkang pagpatay dito. Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending