Engineering student tugis sa pagpaslang sa 2 kapwa estudyante
Pinaghahanap ngayon ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang 3rd year Mechanical Engineering student ng Mapua Institute of Technology (MIT) matapos na ituro na siyang pumaslang sa dalawang estudyante rin ng naturang eskuwelahan noong Sabado ng gabi sa Intramuros, Maynila.
Inilabas na ng MPD ang larawan ng suspek na si Genesis Gabrielle Pongol, alias Kidlat, Gene at Gino, tubong Panhulan, Agoncillo, Batangas at residente ng Novaliches, Quezon City.
Si Pongol na nahaharap sa kasong 2 counts of murder, ang inginusong suspek sa pagpatay kina Jose Marie Villareal, 19, ng Libertad St., Pasay City at Raymund Gino, 21, ng Ususan, Taguig City, kapwa estudyante ng MIT noong gabi ng Sabado sa kanto ng Urdaneta at General Luna Sts., Intramuros, Maynila.
Nabatid mula kay MPD-Homicide Chief Sr./Insp Dominador Arevalo, na posible umanong nagtatago na si Pongol sa kanilang lugar sa Batangas o sa Villa España, Tatalon, Quezon City, Tandang Sora Quezon City at Tartaria, Silang, Cavite.
Matatandaan na naglalakad ang mga biktima sa naturang lugar makaraang uminom sa Aircon Grill sa Magallanes
Ayon sa pulisya, away sa fraternity ang motibo sa pagpatay makaraan na nauna umanong ginulpe ng mga biktima, na miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity ang suspek na miyembro naman ng Batangas Varsitarian. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending