^

Metro

Voluntary rehab hihigpitan ng DDB

-

Hihigpitan ng Dan­gerous Drugs Board (DDB) ang pagpapa-voluntary rehabi­litation na idinudulog ng pa­milya ng mga lulong sa ilegal na droga upang ma­iwa­san ang sari-saring rek­lamo na tinatanggap nito.

Sinabi ni Atty. Cesar Posada, hepe ng Legal De­partment ng DDB, na hindi na uubra ngayon ang pag­papahuli ng isang kapa­milya sa isa nilang miyem­bro na sugapa sa droga at ididiretso ito sa mga reha­bilitation centers ng walang court order.

Igigiit nila ngayon na bago dalhin sa rehab ang mga drug dependents  ay ka­ilangan munang mapro­seso ang court orders  na nagpapahintulot sa rehabi­li­tas­­yon ng mga idinudulog sa PDEA.

Ipinaliwanag ni Posada na ito ay upang maiwasan ang paghahabol ng ibang ka­pamilya ng drug de­pen­dents na hindi pabor sa pag­papa-rehab nito at mga pamilya na pinapahuli ang kapamilya nilang matagal nang pinoproblema ngunit aabandonahin lamang pala sa mga rehabilitation centers.

Dagdag pa dito ang ma­iwasan ang isyu ng kid­napping kung saan may insidente na umano na nag­­­­banta ang isang pa­milya na magsasampa ng kasong kidnapping sa mga operatiba nitong nakara­ang taon dahil sa pag­dam­pot sa isang mayamang drug dependent  na walang pahintulot sa kanila.

Ipinapanukala naman ng Philippine Drug En­force­ment Agency (PDEA) sa Kongreso at local govern­ment units (LGUs) na mag­pasa ng batas para sa pag­tatayo ng mga “shelters” kada munisipa­lidad at lal­awigan upang dito muna pansaman­ talang dalhin ang mga drug dependents habang hindi pa nakaka­kuha ng court order  para madala ang mga ito sa rehab. (Danilo Garcia)

CESAR POSADA

DANILO GARCIA

DRUG EN

DRUGS BOARD

LEGAL DE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with