^

Metro

Paliparan sa bansa inalerto

- Ni Ellen Fernando -

Inilagay ng mga security officials ng Manila International Airport Authority sa heightened alert ang Ninoy Aquino International Airport at iba pang paliparan sa buong bansa dahil sa pag­gunita sa Semana Santa at sa pagkakasabat ng mga sundalo ng Philippine Army sa isang van na may bomba habang patungo sa Awang Airport na hinihina­lang kagagawan ng mga terorista sa Cotabato City.

Base sa ipinalabas na me­morandum ni MIAA Asst. General Manager for security and emergency services ret. General Angel Atutubo, simula nitong Marso 15, ang heightened alert sa lahat ng airports sa bansa at lalong pinatutu­tukan ang NAIA terminal 1, Centennial Terminal 2 na pangunahing paliparan sa bansa.

Sa ilalim ng memorandum, inatasan ni Atutubo ang lahat ng security personnel mula sa airport police department at aviation security group na magsa­gawa ng rigid inspection at checkpoints sa mga sasak­yan na patungo sa mga international at domestic airport terminals. Bukod pa sa pagsasagawa ng police visibilit­y sa parking area at mga warehouse sa airport compound.

Ayon kay Atutubo, ang kanyang kautusan ay ka­sunod sa pagkakaaresto ng da­lawang katao ng PA Alpha­ Company sa isang mi­litary checkpoint sa bisi­nidad ng Brgy. Makir, Datu Odin Sensuat Kabinsuan Province malapit sa na­sa­bing paliparan nitong Martes.

Sinabi ni Atutubo na ang pulang van na may plakang MVP-307 ay naharang habang sakay ng dalawang suspek at nang suriin ang kanilang sakay ay nadis­kubre ng mga sundalo ang explosive devices na naka­lagay sa isang carton box, volt battery, cellphone, fuse assembly na may booster at dalawang kilo ng mga sangkap ng malakas na bomba kabilang ang isang kilo ng 3 inches na pako at iba pang mga gamit sa kusina na nakalagay sa plastic bag.

ATUTUBO

AWANG AIRPORT

CENTENNIAL TERMINAL

COTABATO CITY

GENERAL ANGEL ATUTUBO

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with