^

Metro

Pulis-Maynila inireklamo ng kotong

-

Sa halagang P50 maaring masibak sa puwesto ang isang pulis-Maynila matapos itong ireklamo ng  pangingikil ng mga vendor kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang nasa pa­nga­ngalaga ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang sus­pek na si P03 Reynaldo Borjal, nakatalaga sa MPD-Tondo Station.

Si Borjal ay inireklamo ng pa­ngingikil ng isang Mary Grace  Villesaca,  25, vendor ng #658 San Marcelino St., Ermita, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon ng maganap ang umano’y pangingikil malapit sa Bonifacio Shrine sa Arro­ceros ng nasabing lungsod.

Ayon kay Villesaca, kasa­lu­kuyan umano siyang nagti­tinda sa nasabing lugar nang bigla na lamang siyang lapitan ng mga miyembro ng Eagles at nanghihingi ng halagang P20 para umano sa kanilang pagtitinda sa nasabing lugar, subalit tumanggi naman uma­nong magbigay ang biktima.

Sumunod umanong duma­ting ang isang di-nakikilalang babae na may suot na ID ng  Department of Public Safety (DPS) at nanghihingi din umano ng pera  subalit hindi pa rin nagbigay ang biktima.

Bandang alas-4:30 ng hapon nang dumating naman si Borjal at galit na tinawag ang biktima at minura saka nag­sabi ng  “akala ko ba nagkaka­intindihan na tayo, nag-usap na tayo di ba gumagaya sa iyo yong ibang vendor”.

Dagdag pa ng biktima na hininihingan siya ni Borjal ng P50 subalit nanin­digan itong hindi magbigay kung walang pahintulot umano ng may-ari ng tindahan kaya’t napilitan itong ireklamo ang suspek sa mga kabaro nito. (Gemma Amargo-Garcia)

BONIFACIO SHRINE

BORJAL

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with