^

Metro

Binatilyo lunod sa Pasig river

-

Hindi na nakaahon ang 14-anyos na binatilyo nang sumisid sa Ilog Pasig sa bahagi ng Bacood, Sta. Mesa, Maynila kamaka­lawa ng hapon. 

May ilang oras nang pa­tay bago natagpuan ng frog­men ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ka­tawan ng biktimang si Carlo Haba­bay, ng 1451 P. Quirino St., Plaza Dilao, Paco, Maynila. 

Sa report ni Det. Jo­seph Kabigting ng Manila Police District (MPD)-Ho­micide Section, dakong alas-4 ng hapon nang na­dis­kubreng patay ang biktima sa Pasig river sa likod ng Chino compound sa 2185 Linao St., Bacood, Sta Mesa.

Sa salaysay ng kaibi­gang si Estelito Endaya Jr., maliligo umano sila sa ilog para magpalamig dahil sa sobrang init ng panahon. Nauna lamang na sumisid si Hababay subalit hindi na umano ito umahon.

Posibleng pinulikat o na­dala ang katawan ng biktima sa mabilis na pag-alon kaya hindi na ito naka-ahon. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BACOOD

CARLO HABA

ESTELITO ENDAYA JR.

LINAO ST.

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PASIG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with