^

Metro

12 oras walang tubig sa Caloocan, QC

-

Labindalawang oras na ma­wa­walan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Caloocan at Quezon City mula alas-10 ng gabi nga­yong Biyernes (Marso 14) hang­gang alas-10 ng umaga ng Sa­bado Marso 15. Ayon sa pamu­nuan ng May­nilad Water Ser­vices Inc., ang water service in­ ter­­ruption ay dahil sa ga­gawing intercon­nection ng dalawang tubo ng tubig sa kahabaan ng Tandang Sora Ext. kanto ng Qui­rino High­way, Talipapa, QC.

Ang mga lugar na walang tubig sa Caloocan ay bahagi ng Brgy. 160, 162 at 163 sa kaha­baan ng Tandang Sora Ext. at Tulla­han, mula Quirino Highway hanggang Ugong Bridge at la­teral roads, gayundin sa ka­habaan ng Reparo Road, mula Tullahan hanggang Alta Vista Road at lateral roads.

Ang mga apektadong lugar naman sa Quezon City ay ang Tandang Sora Ext., mula Qui­rino Highway hanggang boun­dary ng Caloocan City.

Bunsod nito, pinapayuhan ng Maynilad Waters ang mga apek­tadong residente ng pagka­wala ng suplay ng tubig sa na­sabing araw na ngayon pa lamang ay mag-ipon na ng tubig upang may magamit sa pana­hon ng water interruption. (Angie dela Cruz)

ALTA VISTA ROAD

CALOOCAN

CITY

MARSO

MAYNILAD WATERS

QUEZON CITY

SHY

TANDANG SORA EXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with