^

Metro

Nene pinilahan ng 4 na bagets

-

Pinipigil ngayon ng awto­ridad ang apat na binatilyo ma­karaang molestiyahin at halin­hinang ipa­subo ang kanilang ari sa isang 8-anyos na batang babae sa Marikina City.

Base sa ulat na nakalap ng pahayagang ito kahapon, ang mga suspek na pawang mga high school student na nasa edad 13 hanggang 15-anyos, re­sidente ng Tanguile St. Brgy. Marikina Heights ng nasabing lungsod ay kasalukuyang pini­pigil sa DSWD matapos mag­reklamo ang magulang ng 8-anyos na biktimang itinago sa pangalang Russel.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon noong Marso 8 habang naglalaro ang biktima nang ta­wagin ito ng 15-anyos na sus­pek na siyang itinuturong master­mind kasama ang tatlo pang mga binatilyo. Hinatak ang bik­tima   sa loob ng Tangulie Multi- Pur­pose Hall at doon ay sinimu­lang lamasin ang murang ka­tawan nito.

Hindi pa nasiyahan ang mga suspek ay inilabas pa nito ang kanilang mga ari at inutusan ang biktima na halinhinan nitong isubo. Nang matapos ang ipina­gawa sa batang biktima ay pina­uwi na ito ng mga suspek at bini­linan na huwag sabihin kahit kanino ang kanilang ginawa.

Inusisa naman ang biktima ng kanyang nanay na matagal na palang naghahanap dito kaya sinabi na rin nito kung saan siya galing at kung ano ang gi­nawa sa kanya ng mga suspek. Agad silang nagtungo sa him­pilan ng pulisya upang ipa­huli ang apat na suspek.

Kasong child abuse at acts of lasciviousness ang hinaharap na kaso ng mga suspek. (Edwin Balasa)

vuukle comment

EDWIN BALASA

HINATAK

INUSISA

SHY

TANGUILE ST. BRGY

TANGULIE MULTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with