^

Metro

Most wanted sa Caloocan nasakote

-

Makaraan ang pitong taong pagtatago, isang  itinuturing na  most wanted criminal ang na­hulog sa kamay ng mga awto­ridad nang masakote ito kama­kalawa sa Caloocan City.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Silvestre Bello, ng Caloocan City Re­gional Trial Court, Branch 128, ki­nilala ang akusadong si Cresencio Neri Jr. ,  alyas Junior Topak at Junior Tuyo, 51, naka­tira sa #453 B. Santos St., Isla San Juan, Maypajo, ng nabang­git na lungsod. Kung saan base sa record, pinatay ni Neri Jr. si Alexander Nicolas, noong Set­yembre 12, 2001.

Sa report ng pulisya,  da­kong alas-2 ng hapon nang ma­dakip ang akusado  sa pinagta­taguang lugar nito sa Hermosa St., Tondo. Manila matapos  ma­ka­tanggap ng impormasyon ang mga pulis na sa nabanggit na lugar nagtatago si Neri Jr.  ma­tapos nitong paslangin si Nicolas.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang puisya hanggang sa nadakip ang sus­pect. Nabatid pa na maraming nakabinbing kaso sa pulisya at sa ilang hukuman ang nadakip na si Neri. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALEXANDER NICOLAS

CALOOCAN CITY RE

CRESENCIO NERI JR.

HERMOSA ST.

NERI JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with