LRT at MRT tigil ang operasyon sa Semana Santa
Pansamantalang ititigil ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) ng apat na araw ang kanilang operasyon bilang paggunita sa Semana Santa.
Sa ipinalabas na statement ng MRT sinabi ng pamunuan nito na bilang paggunita sa Holy Week simula sa Marso 20 hanggang 23 (Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay) ay pansamantala muna nilang sususpindihin ang kanilang operasyon. Sa mga nasabing araw naman ay doon gagawin ang maintenance check-up ng mga tren at pagsasaayos ng mga sirang couches.
Sa hiwalay namang panayam, sinabi naman ni LRT Public Relation Officer (PRO) Jinky Giorgio na tigil din ang kanilang operasyon sa nasabing mga araw sa kaparehas ding kadahilanan. Parehong babalik ang regular na operasyon ng dalawang mass rail transit sa Lunes, Marso 24.
Ang MRT at LRT ay nagsasakay ng mahigit sa kalahating milyong katao kada araw at masasabing pinakamabilis na biyahe dahil sa walang trapik at ilang segundo lang humihinto sa bawat istasyon nito. Ang MRT ay tumatakbo sa kahabaan ng EDSA mula sa Pasay, Rotonda hanggang North Edsa habang ang LRT line 1 naman ay tumatakbo mula sa Baclaran hanggang Monumento. Ang Line 2 naman ay mula Santolan sa
Samantala nagdagdag naman ng biyahe ang dalawang mass rail transit dahil sa ginawang tigil-pasada ng iba’t ibang transport group kahapon sa kamaynilaan. Ang dating 5 minutong waiting time sa peak hour ay ginawa na lang nilang 3 minuto dahil sa buhos ng mga commuters at ang
- Latest
- Trending