Binatilyo pisak sa cargo truck
Mistulang napisak na gulay ang isang 18-anyos na binatilyo makaraang magulungan ng isang cargo truck habang ito ay naglalakad sa Bonifacio Monument Circle (BMC) sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Nakilala ang nasawing biktima na si Johnson Yap, nakatira sa #70 A. Malonzo Street, Samson Road ng nabanggit na lungsod, hindi na ito nakarating ng buhay nang dalhin sa Manila Central University (MCU) Hospital.
Nakakulong at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek na si Dionisio Pagdanganan, 52, may-asawa at residente ng Brgy. Lakawan, Tayabas, Quezon Province.
Lumalabas sa imbestigasyon na naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling- araw sa BMC, harap ng lumang Ever Gotesco Emporium,
- Latest
- Trending