^

Metro

Bangko sa Binondo, nilooban

-

Pinasok ng limang hindi nakikilalang kalalakihan ang isang banko sa Binondo, Maynila kung saan pinosasan at tinalian ang naka-duty na sekyu rito, kamakalawa ng gabi.

Batay sa report, dakong alas-8 ng gabi nang naganap ang pag­­pasok ng limang ’di nakikilang suspek sa loob ng East West Bank sa 1310 Soler St., Binondo, Manila.

Bago naganap ang insidente ay inutusan umano ni Joselito Tolentino ang kapwa nito guwardiya na si Sean John Catalan na itapon ang basura sa labas subalit lingid sa kaalaman ng huli, sa pag­pasok nito sa banko matapos magtapon ng basura ay sinundan siya ng dalawang suspek na nagpakilalang empleyado  ng Armored Tech at puwersahang pumasok ng banko bago sumunod pa ang tatlong suspek.

Sa loob ng banko, pinososan at tinalian umano sila ng mga suspek at saka tinangkang buksan ang vault subalit hindi nila ito nagawa dahil naka-time lock. Nasa 2nd floor naman si Job Lizada, Bank Supevisor na nakapansin sa komosyon sa loob ng banko kaya tinawagan nito si Richard Uy, Assistant Manager.

Dumating umano si Uy at siya namang pag-alarma ng banko dahilan upang tumakas ang mga suspek gamit ang isang asul na Toyota FX (RCC 287) na siyang ginamit na get-away car.

Tangay ng mga suspek ang service firearms ng dalawang guwardiya at ang mga cellphone nito. (Grace dela Cruz)

ARMORED TECH

ASSISTANT MANAGER

BANK SUPEVISOR

BINONDO

EAST WEST BANK

JOB LIZADA

JOSELITO TOLENTINO

RICHARD UY

SEAN JOHN CATALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with