^

Metro

Barangay kagawad itinumba ng NPA

-

Nasawi  ang isang barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), habang ang una ay naghihintay sa kan­yang misis sa harapan ng pinapasukang pabrika ng huli, kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City .

Namatay noon din sa mismong pinang­yarihan ng insidente sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo at dibdib si Kagawad Edgardo “Ato”  Bautista, 41,  ng Malinis St.,  Brgy. Lawang Bato, Valen­zuela City. Kasalukuyan namang nag­sa­sagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awto­ridad upang matukoy ang pagkaka­kilanlan sa mga suspect na tina­tayang dalawa hanggang tatlong kalalaki­han na mabilis na nagsitakas matapos ang insi­dente dala ang mga ginamit na armas.

Batay sa nakalap na impormasyon kay Francisco “Anching”  Delina, chairman ng Brgy. Lawang Bato, dakong alas-5:55 ng madaling-araw nang maganap ang na­sabing insidente sa harapan ng Fil-Fish Cor­po­ration na matatagpuan sa kahabaan ng Bonifacio St., Brgy. Canumay East, Valenzuela City.

Ayon naman sa ulat ng pulisya, unang nagtungo ang biktima sa naturang lugar upang sunduin ang kanyang misis na si Susan at habang naghihintay umano ito sa labas ng naturang pabrika ay  bigla na lamang itong nilapitan at pagbabarilin ng mga suspect.

Napag-alaman naman kay Delina, bago ang pamamaril sa biktima ay unang nakahuli umano ito ng dalawang pinaghi­hinalaang miyembro ng NPA, subalit pina­laya rin umano ang mga ito ng pulisya dahil sa kakulangan ng ebidensiya laban sa mga ito. Posible umanong ginantihan ang biktima sa pamamagitan ng pamamaslang sa kanya. (Rose Tamayo-Tesoro)

BONIFACIO ST.

BRGY

CANUMAY EAST

DELINA

LAWANG BATO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with