^

Metro

Police Bits

-

NAIA pinalawak

Nagsimula na ang Manila International Airport Authority na i-upgrade ang imprastraktura sa loob ng Ninoy Aquino International Airport para ma-accommodate ang ilang malalaking eroplano na bibiyahe sa Asya at Gitnang Silangan at makuha ang standard na hinihingi ng International Civil Aviation Organization.

Ayon sa MIAA, bilang nagsisilbing gateway sa Southeast Asia, nakakasa na ang widening o pagpapalawak sa runway ng NAIA terminal 1. Ito ay upang makuha ang minimithing pagpapalipad ng wide-bodied aircraft sa merkado gaya ng Boeing’s Dreamliner at Airbus A380.

Ilan sa mga airlines na kinabibilangan ng Emirates at Singapore Airlines ang kamakailan ay nagpahayag ng kanilang interes na kumuha ng Airbus A380, ang pinakamalaking passenger plane sa buong mundo na papaimbulog sa himpapawid na may 800 passenger seating capacity. (Ellen Fernando)

Pera sa shabu itinakbo

Bunsod ng umano’y pagtatakbo ng perang pambili ng shabu, pinatay ng sarili niyang kapitbahay ang isang obrero matapos na hindi maibalik ng huli ang pera ng una kahapon ng madaling-araw sa San Andres Bukid, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Jovemar Jayco, alias “Jovy”, may-asawa, ng 2450 Radium St., San Andres Bukid sanhi ng tatlong tama ng bala sa ulo, kaliwang bahagi ng katawan at hita.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Melchor Camacho Sr., 64, may-asawa; Allan Parcon, 58, karpintero at isa pang di nakilalang lalaki na pawang kapitbahay ng biktima na tumakas matapos ang pamamaril. Nauna dito, kinausap umano ni Camacho at ng di nakilalang lalaki ang biktima hinggil sa pagbili nila ng shabu sa halagang P500 sa naturang lugar.

Gayunman, makaraang kunin ng biktima ang pera sa mga suspek ay hindi na ito bumalik at dahil nainip na ang dalawa ay pinuntahan si Parcon na umano’y kilalang matalik na kabigan naman ng biktima at kinausap nito si Jayco na ibalik ang perang kinuha kung hindi ay babalik umano sila at “magdadala ng malas”.

Bunsod nito’y, agad na hinanap naman ni Parcon ang biktima at kunway mag-uusap lamang sila sa kabilang bahay subalit pagdating nito doon ay nadatnan ang dalawang suspek at dito nagkaroon ng komprontasyon at pinababalik ang pera subalit wala nang maibigay ang biktima dahilan upang pagbabarilin ito. (Gdela Cruz)

ALLAN PARCON

BUNSOD

ELLEN FERNANDO

GDELA CRUZ

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with