^

Metro

Kamatayan kumatok

-

Kinatok ni kamatayan ang isang lalaki nang pagbabarilin ito ng kanyang kagalit paglabas niya ng bahay makaraang marinig ang sunud-sunod na katok sa kanilang pintuan sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Agad na nasawi sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Roberto Jardenia, 40, residente ng Teranate Ext., Batasan Hills.

Kinilala naman ang suspek na si Reynaldo Dalit na hini­hinalang matagal nang kaalitan ng biktima.

Dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nagulat ang biktima sa sunud-sunod na katok sa pintuan ng kanyang bahay subalit sa pagbukas nito ay sinalubong siya ng bala ni Dalit. Mabilis na tumakas si Dalit matapos ang pamamaril habang patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BATASAN HILLS

DAKONG

DALIT

DANILO GARCIA

KINATOK

QUEZON CITY

REYNALDO DALIT

ROBERTO JARDENIA

TERANATE EXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with