^

Metro

Parak na lider ng ‘Bukas Kotse gang’ timbog

-

Nadakip ang isang pulis na umano’y namu­muno sa sindikato ng “Bukas Kotse Gang” pati na ang dalawang mga galamay nito matapos ang isinagawang entrapment operation, kama­kalawa ng hapon sa Makati City.

Nakilala ang nadakip na lider ng sindikato na si  SPO1 Marcelino de Vera, 47, residente ng #4044 Gen. Lunas St., South Cembo, Makati City at ang dalawang kasama nito na sina   Francisco de Vera, 32, at Miclebeth Villa­hermosa, 24, kapwa residente rin ng nabanggit na lugar.

Nabatid na ang pagkakaaresto sa mga suspect ay kaugnay sa reklamo ng isang sales engineer ng Yu Eng-Kao electrical supply na si Esfe Batal, 26, residente ng Martinez St., Villarial Court, Bacoor, Cavite.

Ayon sa pahayag ng biktima, dakong alas-6:45 ng gabi noong Pebrero 26, 2008, ipina­rada niya ang kanyang kulay maroon na Ford Lynx na may plakang YEK-239 sa harap ng KFC, Blue Wave, D. Macapagal Avenue, Pasay City.

Matapos ang ilang oras ay binalikan ng biktima ang kanyang sasakyan at natuklasan na lamang nito na basag na ang kanang salamin sa likurang bahagi, kasabay ng pag­laho ng kanyang manager’s check na nagka­kahalaga ng P426,000; pouch bag na may laman na P14,000; silver bracelet na nagkaka­halaga ng P1,000; passport; PAL airline ticket; company ID, duplikadong susi ng kotse at iba pang personal na kagamitan.

Ayon pa sa biktima, sa loob ng mahigit na isang linggo, nakipag-ugnayan ang mga sus­pect sa biktima at humihingi ng P20,000 kapalit ng passport at mga importanteng dokumento ng kompanya.

Kamakalawa,  dakong alas-4:30 ng hapon, nakipagkita sa biktima ang mga suspect sa isang fastfood chain sa Guadalupe, Makati kung saan nakapuwesto na doon si Sr. Insp. Cesar Quirit ng Pasay City Police Community Precinct (PCP) 3 at ang mga tauhan ng follow-up section.

Matapos maiabot ang hinihinging salapi ng suspect at matanggap ng biktima ang passport at mahahalagang dokumento, agad na dinam­pot ang suspect.

Sa himpilan ng pulisya, nadiskubre ng mga awtoridad na isa rin palang pulis ang suspect at aktibo pa rin ito sa serbisyo hanggang sa kasa­lukuyan. Ito rin umano ang namumuno sa nasabing sindikato na kumikilos hindi lamang sa Pasay City kundi maging sa iba pang lung­sod ng Metro Manila. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BLUE WAVE

BUKAS KOTSE GANG

CESAR QUIRIT

CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with