^

Metro

Presyo ng petrolyo muling tumaas

-

Patuloy sa pagtaas ng presyo ng pro­duk­tong petrolyo sa lokal na pamilihan ma­tapos na pangunahan ng Pilipinas Shell ang muling dagdag 50 sentimos kada litro sa presyo ng kanilang produkto kahapon ng madaling-araw.

Dakong alas-12:30 ng mag-imple­menta ng panibagong 50 sentimos kada litrong dagdag ang Shell sa kanilang diesel, kerosene at gasoline.

Ayon kay Bobby Kanapi, tagapagsalita ng Shell, ang panibagong price hike ay kanilang isinagawa matapos ang muling pagtaas ng presyo ng produktong pe­trolyo sa pandaig­di­gang pamilihan na ayon sa kanila ay umaabot na sa mahigit $105 kada bariles.

Hindi na umano kayang pasanin ng ka­nilang kompanya ang panibagong price hike na inimplementa sa world market kaya na­pilitan na silang ipasan ito sa con­sumers sa local market.

Dagdag pa ni Kanapi na kung patuloy ang ganitong trend sa world market hang­gang sa mga susunod na linggo ay wala silang maga­gawa kundi ang muling mag­taas ng presyo ng kanilang itinitindang petrolyo sa lokal na pamilihan.

Sa ngayon ay pumapalo na sa P37.65 ang presyo ng diesel ng Shell at P46.85 naman sa kanilang unleaded gasoline.

Hindi naman ginalaw ng kompanya ang presyo ng tindang Liquefied Petro­leum Gas (LPG).

Dahil sa ginawang price hike ng Shell ay ina­asahan na susunod pa ang ibang kom­panya ng langis sa kaparehas ding presyo. (Edwin Balasa)

AYON

BOBBY KANAPI

EDWIN BALASA

LIQUEFIED PETRO

PILIPINAS SHELL

PRESYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with