^

Metro

AWOL na pulis nagwala sa casino, arestado

-

Kulungan ang binagsakan ng isang AWOL na pulis mata­pos na magwala sa loob ng isang casino kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nasa kustodiya ngayon ng Quezon City Police District-Sta­tion 9 (Anonas) ang suspek na si PO3 Ariel Binluan, 32, naka­talaga sa Police Regional Office IV-A (Calabarzon), ng #7-D 2nd West Crame, San Juan City.

Inireklamo ito ni April Coba­rubias, 25, guest assistant ng Casino Filipino On-Line Gaming Ca­sino, nasa panulukan ng EDSA at Kamias St., ng na­tu­rang lungsod matapos na pag­bantaan na sasaktan. Sa sum­bong ni Co­barubias, sinabi nito na pumasok sa ka­nilang establi­simiyento dakong alas-7:30 ng gabi ang suspek at nagpaki­lalang pulis. Naglaro umano ito ngunit natalo kung kaya nang­hiram umano ito ng pera, natural na hindi niya pinag­bigyan.

Dito umano nagalit ang pulis at tinakot na sasaktan siya kapag hindi pinayagan na ma­kapaglaro nang walang pera.  Nagkaroon ng komosyon dahil sa pagwa­wala ng suspek kung saan ma­ging ang ibang mga man­­lalaro ay tinangka nitong hi­ra­man ng pera. Agad na nag­suplong sa pu­lisya ang mga tauhan ng online gaming sanhi upang arestuhin si Binluan. Sa istasyon, sinabi ni Bin­luan na na­gawa lamang niya iyon upang magkapera para pam­bili ng gamot sa anak na may­­sakit, gayunman desi­dido ang may-ari ng online gaming na sampahan ng kaso ang suspek. (Danilo Garcia)

vuukle comment

APRIL COBA

ARIEL BINLUAN

CASINO FILIPINO ON-LINE GAMING CA

DANILO GARCIA

KAMIAS ST.

POLICE REGIONAL OFFICE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with