^

Metro

Jeep sumalpok sa van: Estudyante patay

-

Isang 17-anyos na es­tudyante ang nasawi, ha­bang malubhang nasuga­tan naman ang tatlo pa nitong kasamahan maka­ra­ang sumalpok ang sina­­sakyan nilang owner-type jeep  sa isang naka­paradang van, kahapon ng madaling-araw sa Que­zon City.

Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ang bik­timang si Jeffrey Cruz, re­sidente ng #19 Rose Com­pound, Brgy. Culiat, ng naturang lungsod, ha­bang sugatan naman ang mga kasama nitong pin­san na sina Mike Jay Manuel, 11; Erwin Paul Dupal, 21; at John Vin­cent Estela, 13.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa Tandang Sora Avenue sa tapat ng San Lorenzo Subdivision, Brgy. Culiat. Sakay ang magpi-pinsan ng isang owner-type jeep (UCN-466) na minama­neho ni Cruz bu­hat sa Vi­sa­yas Ave. nang ma­wa­lan umano ito ng preno.

Dahil sa bilis ng pag­takbo, diretsong su­mal­­pok ang jeep sa naka­pa­ra­dang van (CSH-323) sa gilid ng kalsada sanhi ng pagkasawi ni Cruz at pag­kasugat ng mga ka­sa­­ma­han nito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

CRUZ

CULIAT

DANILO GARCIA

EAST AVENUE

ERWIN PAUL DUPAL

JEFFREY CRUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with