^

Metro

2 miyembro ng ‘Marawi drug connection’, timbog

-

Dalawang kilabot na miyembro ng tinaguriang “Marawi Drug Connection”  na nag-ooperate sa Metro Manila ang bumagsak sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Alden Abaton, alyas Kharim at Edra Ali, kapwa naninirahan sa Fairmont Subdivision, North Fair­view, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng PDEA-Complaint and Reaction Unit, isang ope­ras­yon ang kanilang isinagawa laban sa mga suspek na matagal na nilang isinasailalim sa surveillance operation  dahil sa iligal na pagbe­benta ng droga.

Hindi na nakapalag ang dalawa nang palibutan ng mga opera­tiba matapos ang bentahan. Nakumpiska sa kanilang posesyon ang tinatayang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu.

Ayon kay PDEA Undersecretary Dionisio Santiago, miyem­bro ng isang sindikato na nakabase sa Marawi City sa Minda­nao ang mga suspek. Ito ang nagpapakalat ng iligal na droga sa Kamay­nilaan na ginagawa sa mga tagong laboratoryo sa Mindanao. Mata­tandaan na isinasailalim ngayon sa masusing pagba­bantay ng PDEA ang rehiyon ng Mindanao matapos ang ulat na dito na naka­tutok ang operasyon ng mga internasyunal na sindikato ng droga sa pagluluto nito dahil sa pagiging liblib ng kanilang mga laboratoryo.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek at isinasailalim ngayon sa mas masusi pang interogasyon. (Danilo Garcia)

ALDEN ABATON

COMPLAINT AND REACTION UNIT

DANILO GARCIA

DRUG CONNECTION

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

EDRA ALI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with