^

Metro

Tsinoy trader tiklo sa hijack

-

Natimbog ng mga aw­to­­ridad ang isang  negos­yanteng Tsinoy na sina­sabing sangkot sa isang hijacking matapos ang isinagawang entrapment operation sa Valenzuela City.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Valen­zuela-PNP habang naha­harap sa patong-patong na kaso si Norberto Yao, Jr., 29- ng 609 Pacheco St., Tondo, Manila.

Ayon sa ulat, dakong alas-4 ng hapon noong Sabado nang maaresto ang suspect sa inuupahan nitong bodega na matatag­puan sa S. de Guzman St., Brgy. Parada ng nabanggit na lungsod.

Lumalabas  sa rekord ng pulisya na unang na-hijack ang ten-wheeler truck ng IJA Trucking na may pla­ kang RBR-861 na nagla­laman ng milyong halaga ng produkto noong Pebrero 27, 2008 sa kaha­baan ng C-3 Road, Na­votas City.

Ayon sa salaysay ng driver   na si Orlando Lopez at ng helper nito, pinaikut-ikot sila ng mga armadong kalalakihan mula sa Navo­tas hanggang sa makara­ting sila sa isang lugar sa Pampanga kung saan sila iniwan ng mga ito.

Matapos ito’y nagsa­gawa ng follow-up opera­tion ang mga awtoridad at natukoy  kung saan dinala ang na-hijack na truck sa Brgy. Parada kung kaya’ t agad naghanap ang mga ito ng pagkakataon upang ma­aresto ang mga suspect.

Isang entrapment ope­ration ang agad na ginawa ng mga awtoridad na naging dahilan sa pagka­ka­aresto kay Yao kung saan ay nakuha sa pag-iingat nito ang mga nina­kaw na mga produkto at ang ten-wheeler truck na ka­salukuyan na nitong pinagpipira-piraso.

Kasalukuyan namang pinaghahanap pa ang iba pang suspect na kasama­han ng nasabing suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BRGY

GUZMAN ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with