^

Metro

Bata tinirador, patay

- Danilo Garcia -

Matapos  ang dala­wang araw na pagkaka­ratay sa pagamutan, tulu­yang binawian ng buhay ang isang 11-anyos na batang lalaki dahil sa tinamong pamumuo ng dugo sa batok matapos na tiradurin ng binatang kapitbahay nito sa Que­zon City.

Nalagutan ng hininga kamakalawa ng gabi sa loob ng East Avenue Medi­cal Center dahil sa “blood clots”  ang bikti­mang si Mark Leonel de Guia, grade 5 elementary pupil at residente ng Area 6 Sitio Veterans, Brgy. Silangan, ng naturang lungsod.

Nakadetine naman ngayon ang 19-anyos na suspek na si Ricardo Susing Jr., alyas Junior, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang paninirador dakong alas-11 nitong nakaraang Biyernes ng umaga sa bakanteng lote sa naturang lugar. 

Naglalaro umano ang  biktima at kaibigang  si Jong-Jong  sa nasabing  lugar  sa  may garden  nang dumating   ang ama ng suspek na si Ricardo Sr., may mga pananim sa naturang compound at pinagalitan ang dalawang bata.

Dahil  sa takot,  ma­bilis na tumakbo ang da­lawang bata ngunit bigla na lamang nadapa si Mark Leonel nang ta­maan ng bato sa batok matapos na tiradurin ng batang Susing. 

Ayon  sa  ama ng bik­tima na si Noel, posi­ti­bong kinilala ng kanyang anak si Susing o Junior na siyang tumirador sa kanya bago ito nalagutan ng hininga.

vuukle comment

EAST AVENUE MEDI

MARK LEONEL

RICARDO SR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with