^

Metro

‘Joey de Leon’ kinuyog, dedo

-

Isang kapangalan o namesake ng aktor at TV host na si Joey de Leon ang namatay sa bugbog at saksak ma­­ka­raang  pagtripan at  kuyugin ng isang grupo ng kalalakihan, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng tinamong bugbog at saksak sa katawan  si Joey de Leon, 26-anyos ng Phase 8B, Package 1, Block 44, Lot 13, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspect na mabilis na nagsi­takas matapos ang insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng mada­ling-araw nang matagpuang nakahandusay ang dugu­ang katawan ng biktima ilang metro lamang ang layo sa bahay nito.

Napag-alaman  sa isa sa mga kapatid ng biktima na nasilayan na lamang niya ang kapatid sa labas ng kanilang bahay na nakahandusay at  puno ng pasa ang mukha at may saksak pa sa katawan.

Kasama ang ilang mga kamag-anak ay agad naman umano niyang isinugod ang biktima sa na­bang­­git na paga­mutan ngunit hindi na rin ito na­gawang iligtas pa ng mga manggagamot. Nabatid na bago pa man umano nalagutan ng hininga ang biktima ay nasabi nito sa kanyang mga kaanak na kinuyog at binugbog siya bago pinagsa­saksak ng isang grupo ng mga kalalakihan. (Rose Tamayo Tesoro)

vuukle comment

BAGONG SILANG

BATAY

CALOOCAN

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ROSE TAMAYO TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with