Protocol officer ng Malacañang inireklamo

Isang protocol officer ng Malacañang na si  Revi de Mesa ang inireklamo kahapon ng photojournalist na si Jerry Tan ng Journal Group of Publications dahil sa panghahablot ng una sa  camera ng huli habang kinukunan nito ng litrato si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagbubukas ng Ocean Park sa Maynila noong Biyernes.

Nang kuwes­tyunin ng ibang mga reporter, sinabi ni de Mesa na may karapatan siya bilang protocol officer.

Sinasabi pa ni de Mesa na nakarahang si Tan sa daanan ng Pangulo. “Nasa likuran ako ng mga photographer at camera man, paano ko na­man maba-block ang Pangulo? Bago ako, sila muna ang nakaharang,” sabi naman ni Tan.  (Doris Franche)

Show comments