^

Metro

Suporta sa anti-cancer hingi ni Belmonte

-

Magkaisa laban sa sakit na kanser.

Ito ang panawagan ng Lungsod Quezon matapos nitong pangunahan muli ang kampanya laban sa nakamamatay na sakit na cancer sa pamamagitan ng paglulunsad ng cancer awareness month program at fund raising campaign.

Sa pormal na paglulunsad ng naturang programa sa Amoranto Sports Complex stadium sa Roces Avenue, sinabi ni Mayor Feliciano Belmonte Jr. na kailangang suportahan ng pamahalaang lungsod ang paglaban sa cancer lalo na ang mga taong may sakit nito dahil sa kamahalan ng mga prosesong pinagdadaanan ng mga ito.

Ayon kay Belmonte, ang sakit ay hindi lamang dumadapo sa mga matanda kundi pati rin sa mga bata kaya dapat na ito ay bigyang halaga ng lipunan.

Ang Relay for Life 2008 ay isang aktibidad na isinusulong ng Philippine Cancer Society at Quezon City Government na may layuning imulat ang publiko sa epekto at pinsala ng mapanganib na sakit.

Bilang chairman ng proyekto ngayong taon, ibinunyag ni Belmonte na may pondo na agad na P100,000 mula sa QC Hall ang anti-cancer fund.

AMORANTO SPORTS COMPLEX

ANG RELAY

AYON

BELMONTE

LUNGSOD QUEZON

MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

PHILIPPINE CANCER SOCIETY

QUEZON CITY GOVERNMENT

ROCES AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with