Estudyante malubha sa sagasa ng motor
Kritikal ang isang 17-anyos na estudyanteng babae makaraang masagasaan ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Alabang-Zapote Road sa Las Piñas City.
Inoobserbahan sa Las Piñas Medical Center ang biktimang si Charmaine De Guzman, 4th year high school at residente ng
Papatawid sa kabilang kalye ang dalaga patungo sa kanilang bahay nang mabangga ng rumaragasang Honda motorcycle na minamaneho ni Michael Dominese, 26.
Bunga nito tumilapon nang ilang metro ang layo ang biktima kung saan bumagsak sa semento at tumama ang ulo nito.
Kasalukuyan namang nakapiit na sa Las Piñas Traffic Police ang driver ng motorsiklo at nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting to serious physical injury. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending














