^

Metro

Tambay todas sa ambush

-

Patay ang isang 31-anyos na lalaki, habang na­ damay namang nasugatan ang isang babae makara­ang tamba­ngan ang una ng dalawang hindi pa kilalang lalaki na naka­­­sakay ng motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Nakilala ang nasawi na si Ronald Ramos, habang nagtamo naman ng isang tama ng bala sa kanang hita matapos tamaan ng ligaw na  bala si Jennylyn Ocol, 22, kapwa residente ng Brgy. Kalawan ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang pananambang dakong alas-5:30 ng hapon sa kahabaan ng Mangga Avenue Resettle­ment Site ng nasabing barangay habang nagla­lakad ang lalaking biktima ng bigla na lang itong hintuan ng isang motorsiklong walang plaka sakay ng mga armadong suspek na nakasuot ng bonnet at malapitan itong pinag­ba­baril, habang nadamay naman si Ocol at tamaan ng ligaw na bala sa hita ng eksaktong napadaan din sa lugar.

Matapos ang insidente ay agad ng tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo habang agad na isinugod ang mga biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na rin umabot pa ng buhay si Ramos.

Samantala blangko pa rin ang pulisya sa motibo ng pag­patay matapos na ayaw umanong makipagtulungan ng pamilya ng nasawing biktima sa ginagawang imbesti­gasyon. Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang awtoridad para sa agarang pagkalutas ng kaso.  (Edwin Balasa)

vuukle comment

BRGY

EDWIN BALASA

JENNYLYN OCOL

KALAWAN

MANGGA AVENUE RESETTLE

MATAPOS

NAKILALA

RONALD RAMOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with