^

Metro

Malamig na klima nakapagpababa sa insidente ng sunog

-

Inaasahan ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang walang mala­laking insidente ng sunog ang magaganap sa bansa ngayong nakararanas ng malamig na panahon sa pagpasok ng Fire Pre­vention Month ngayong Marso.

Sinabi ni BFP-National Capital Region chief, Sr. Supt. Ruben Bearis na wala pang nagaganap na malaking sunog partikular na sa Kamaynilaan mag­mula nang matupok ang Baclaran shopping mall nitong Enero 3. 

Pinasalamatan ni Bearis ang pagbaba ng insidente ng sunog sa ma­lamig na panahon ngayon dahil sa naiiwasan ang pagsabog ng mga kun­tador ng kuryente at mga sala-salabid na konek­syon.

Umaasa sila na mag­papatuloy ang naturang “trend” ngayong Marso na base sa kanilang rekord, ang pinakamaraming na­itatalang insidente ng sunog sa buong taon.  Na­nalangin rin ito na mag­papatuloy ang malamig na panahon hanggang Mayo.

Ilulunsad naman ng BFP ang programa nilang “Iwas Sunog”  sa Baseco Compound sa Tondo, May­nila ngayong araw ma­tapos na mabatid na apat na beses na itong halos mabura dahil sa napaka­raming sunog na naitala sa naturang lugar. (Danilo Garcia)

BASECO COMPOUND

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DANILO GARCIA

FIRE PRE

IWAS SUNOG

MARSO

NATIONAL CAPITAL REGION

RUBEN BEARIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with