Jobless na mister nagbigti
Hindi nakayanan ng isang empleyado ng Manila City Hall ang gina wang pagpapatalsik sa kanya sa trabaho at pag-iwan pa sa kanya ng kanyang asawa, kung kaya’t winakasan na lamang nito ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Hindi na nakasabay ng kanyang pamilya sa hapunan ang biktimang nakilalang si Romeo Gutierrez Jr., 35, ng #265 Jacobina st., Tondo, Maynila.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya nadiskubre ang bangkay ni Gutierrez ng kanyang kapatid na si Rowena dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Rowena, hindi na umano lumabas ang kanyang kapatid simula pa ng umaga ng Pebrero 26 at hindi na ito sumabay sa kanila ku main simula agahan kung kaya’t nagpasya itong katukin sa kuwarto ang biktima para kumain ng hapunan.
Nakailang ulit na umano nitong kinakatok ang biktima ngunit hindi sumasagot kung kaya’t nagpasya na siyang ipasira ang pintuan nito at dito na nga bumulaga sa kanila ang nakabitin niyang kapatid.
Nabatid ng pulisya na ilang buwan na umanong hiwalay ang biktima sa kanyang asawa at kailan lang ay nasibak naman ito sa kanyang trabaho.
Posible umanong hin di na nakayanan ng biktima ang problemang dinadala nito kung kaya’t mas pinili nitong wakasan ang kanyang buhay. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending