^

Metro

Arraignment ng kaso nina Trillanes, Lim iniliban

-

Dahilan sa banta ng se­­­guridad kaugnay ng mass actions, ipinakan­sela ka­hapon  ng PNP sa Makati City Regional Trial Court (RTC)   ang arraign­ment sa kasong rebelyon laban kina Senador  Antonio Trillanes IV, Brig. Gen. Danilo Lim at iba pang sangkot sa Manila Peninsula Hotel siege noong Nobyembre 2007.

Ayon kay PNP Chief, Di­rector General Avelino Razon Jr., bahagi ng kanilang precautionary measure ang inihain nilang mosyon sa korte kasunod ng intelligence re­ports hinggil sa posibi­lidad ng panibagong tangkang pag-aaklas ng mga junior mili­tary officer, iba pang ar­mado at mga militanteng grupo.

Sa kanilang petition, iginiit ng PNP na batay sa kanilang natanggap na report layunin ng pani­bagong pagtatangka na pabagsakin ang kasalu­kuyang administrasyon.

Ipinaliwanag pa ni Razon na hindi ma­ka­bubuti na ilabas ng kulu­ngan ang mga tina­guri­ang high pro­file per­sona­lities para du­malo sa pag­dinig ng korte bunga na rin ng banta na posibleng lik­hain ng mga ito sa pam­bansang se­guridad.

Ang nasabing petis­yon ay pinaunlakan na­man ni Judge Elmo Ala­meda ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 kung saan ay muling iti­nakda ang pagbasa ng sak­dal sa Marso 6. (Joy Cantos at Rose Tesoro)

ANTONIO TRILLANES

DANILO LIM

GENERAL AVELINO RAZON JR.

JOY CANTOS

JUDGE ELMO ALA

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

MANILA PENINSULA HOTEL

ROSE TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with