14-anyos na nene, nag-suicide
Isang 14-anyos na dalagita ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng cyanide matapos itong magtampo nang pagalitan ng kanyang ina, kamakalawa sa
Patay na nang idating sa Pagamutang Lungsod ng Malabon (PBM) si Mary Jane Tamparong, 14, estudyante, residente 724 Padas Alley, Kaunlaran Village ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa loob ng bahay ng pamilya Tamparong, sa nabanggit na lugar.
Bago naganap ang pagpapatiwakal, napagalitan umano ito ng kanyang inang si Ellen nang makipagtalo ito sa nakababatang kapatid dahil sa panghihiram at paggamit ng pantalon nito. Labis namang dinamdam ng biktima ang pagkampi ng ina sa kanyang kapatid kaya’t ilang oras itong nagkulong sa kuwarto.
Sa salaysay pa ng 8-taong gulang na kapatid ng biktima na si Honeylyn, nang magtungo siya sa kanilang kuwarto upang tawagin ang kanyang ate ay nakita niya na bigla na lamang uminom ng cyanide ang kanyang kapatid kaya’t dali-dali nitong sinabi sa kanilang mga kaanak ang ginawa ng dalagita.
Agad namang sumaklolo ang tiyuhin ni Mary Jane na si Efren at mabilis na isinugod sa nabanggit na pagamutan ang biktima ngunit hindi na rin ito umabot ng buhay dahil sa umano’y pagkalusaw ng bituka nito. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending