^

Metro

Motorsiklo vs jeep: 2 todas, 1 sugatan

-

Dalawa katao ang nasawi at malub­hang nasuga­tan ang isa pa matapos sumal­pok ang isang motor­siklo sa isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Namatay sa mismong lugar ng pi­nang­yarihan ng insi­dente ang bikti­mang si Rey Leonardo, 37, messenger ng  66 Daungan St., Malhakan, Meycauayan, Bulacan dahil sa tinamong grabeng pinsala sa katawan.

Hindi naman umabot ng buhay sa Na­tional Ortho­pedic Center ang bikti­mang si Baby Cerias, 32, ng Villa Socorro, Marilao, Bulacan, habang si Vilma Datol, 34, nakatira sa #53 Soriente St., Tugatog, Mey­caua­yan, Bulacan ay patuloy pa ring inoobserbahan sa natu­rang pagamutan.

Kasalukuyan namang nakapiit sa Valenzuela City Traffic Eneforcement Unit (VCTEU) at nahaharap sa kauku­lang kaso ang driver ng jeep na si Jacinto Buan, 65, ng  436 Dulong Tangke, Brgy. Malinta ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Mc Arthur High­way at M.H. del Pilar St., Brgy. Malanday, Valenzuela City.

Sa nakalap na impormasyon,  binabagtas ng jeep na may plakang TVL-603 (may rutang Malanday-Divi­soria) na minamaneho ni Buan ang ka­habaan ng Mc Arthur Highway, nang bigla na lamang sumalpok sa harapan ng sasakyan nito ang isang Honda Wave na motorsiklo na may license plate number na CE-7739 na minama­neho naman ni Leonardo habang naka­angkas naman ang dalawa pang biktima.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang tatlong biktima sa magka­kahiwalay na direksiyon kung saan ay agad na namatay si Leonardo, saman­talang sina Datol at Cerias ay agad na naisugod sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang huli. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BABY CERIAS

BRGY

BULACAN

DAUNGAN ST.

DULONG TANGKE

HONDA WAVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with